Make your own free website on Tripod.com

O N    P R I N T


May mutual understanding na sila ni Piolo!
by Nora V. Calderon, Sept 6, 2001 Movieflash

MALAKI ang kinalaman ng role ni Judy Ann Santos sa pelikula nila ni Piolo Pascual na Bakit ‘DI Pa Totobanin kaya siya namayat nang husto. Boksingera kasi ang papel na ginagampanan ni Juday sa nasabing movie na produced ng Star Cinema at kung saan kasama rin nila si Jeffrey Quizon. Carry na nga ni Juday na magsuot ng sleeveless blouse dahil sexy na siya talaga.

"Noong unang sabihin sa akin ang role ko, sabi ko bakit naman boxer,” sabi niJuday. “Pero nang i-explain sa akin ang role at nabasa ko naman ang anak ni Muhammed Ali na nagbo-boxing din, parang na-challenge ako kahit alam kong mahirap ito sa akin dahil kailangan talaga akong mag-training.

“Marami akong natutunan sa boxing at nagamit ko rin ito para  ma-release ang tension ko. Habang nagsu-shoot kami, continuous ang training namin ni Piolo under Roger Moring," aniya pa.

Pero during the shoot ng movie, nagkaroon si Juday ng tampo kay Piolo at napansin ito m direk Boots Plata. Hindi tuloy agad nakunan ang mga kissing scenes at pakilig scenes ng dalawa dahil napansin niyang dinedeadma ni Juday si Piolo.

Although alam in Direk na parehong magaling na artista ang dalawa pero nag-worry pa rin siya na baka hindi lumabas na natural ang akting nila.

“Ako kasi ang taong napaka-transparent~, hindi ko kayang itago ang nara-ramdaman ko. Kung masama ang loob ko, ipinakikita ko talaga. Kaya sabi ko, hindi naman puwedeng magmatigasan na Iamang kami forever ni Piolo kaya nag-usap kami ng heart-to-heart tungkol sa mga issues sa paligid namin. May mga nilinaw ako sa kanya at hindi rin naman siya naglihim sa akin, na-iron out namin ang rnga problema at okey na kami ngayon,” ngiti ni Juday.

Hiyang-hiya nga raw sa kanya si Piolo dahil hindi ako alam na may tarnpo pala sa kanya si Juday.

“Hindi kasi siya nagtatanong, pero dapat nararamdaman na niya iyon,” sagot ni Juday.. 

Nagselos daw siya sa mga isyu kina Piolo at Pops Fernandez.

“Hindi ako selosa dahil ayaw kong pinagsesebosan ako. Saka wala naman kaming relasyon ni Piolo, kaya wala akong karapatang magselos. Kilala ko lang naman si Pops, pero hindi naman kaini close sa isa’t isa. Kaya nga ako nagtampo kay Piolo, hindi ko alam kung ano ang isasagot sa mga
tanong tungkol sa kanila.”

PERO ano ba talaga ang real score sa kanila ni Piolo?

“Mahirap sabihin na hindi kami, dahil hindi kayo maniniwala. Pero iyon po ang totoo, friends lang kami talaga ni Piolo. Ayaw naming pumasok sa isang relasyon dahil lamang may pressure sa amin o dahil pinangunahan kami. Pareho kami ni Piolo na ang mas concern ay ang aming family.

“Piolo is very responsible, malambing, very dedicated sa trabaho niya at talagang hindi niya kinalilimutan ang kanyang family. Very sweet siya sa family niya. Ako, very, close din kami ng family ko, pero hindi ako
demonstrative sa pagmamahal ko sa kanila, ‘di tulad ni Piolo. Hindi siya
nahihiyang magsabi ng ‘I love you’ sa Mommy at sister niya, kahit sa
harap ng maramlng tao.

“Kahit sa akin, malambing siya. Hindi man siya nagsasabi ng ‘I love you,’ pero ipinaparamdam niya lyon sa yakap at sa pamamagitan ng kiss.
Tulad kangina na dahil ang ginaw-ginaw dito sa function room, niyakap
niya ako. Ganoon po kami talaga ni Piolo. Matagal-tagal na tin naman
kasi kaming magkasama niyan, sa Esperanza pa noon.”

May ayaw ba siyang ugali ni Piolo?

“Wala po naman siyang attitude problem, ang ayaw ko lang sa kanya,
mahulig siyang mag-telepoño. Ayaw ko tin sa kanya kapag nag-promise
siyá at hindi niya tutuparin. Ako kasi, kapag nag-promise ako, ginagawa ko ang lahat para matupad ang promise ko sa kanya.”

Hindi rin naiwasang tanungin si Juday kung mahal pa ba niya si Wowie de Guzman kaya hindi pa siya nag-i-entertain ng mga suitors?

“Naroon pa rin ang concern ko sa kanya, pero iyong love, nabawasan
na. Natutuwa naman ako dahil hanggang ngayon, naroon pa rin ang
suporta niya sa akin. Kapag problemado ako, kahit ngayon, bigla na lang siyang tatawag.

“Wala pang period ang love namin sa isa’t isa. Hindi natin alam, baka in the end, kami rin pala, hindi ba?

“Bata pa naman kami at marami pang puwedeng mangyari sa aming
dalawa,” sey pa ni Juday. Pero dumaling na rin daw kay Juday iyong naba-burnt out na siya sa dami ng trabaho niya.

“Minsan, umiiyak na lang ako, pumupunta ako sa Adoration Chapel sa mga churches na malapit sa bahay namin. Kung minsan naman, madaling-araw, aalis ako, mag-isa lang ako, kasama ko lang ang driver ko, pumupunta ako sa beach. Walang cellphone, pinalilipas ko lang ang
oras, nakatanaw ako sa malayo, nag-iisip.

“Hindi po naman ako nagsi-self-pity. Siguro nga ang problema sa akin, wala ako nu’ng someone to love, pero ayaw kong i-entertain ang
thoughts na iyon. Kung may feeling ako ng emptiness, nagdadasal na lang ako.”

Hindi ba siya nagsasawang maging breadwinner ng kanilang pamilya?

“Hindi po, hanggang nakakatulong ako ay tutulungan ko ang pamilya ko. Para sa akin, lifetime responsibility ko na ito sa family ko, siguro, kahit magkaasawa pa ako,” pagtatapos ni Judy Ann.

BACK TO MAIN ON PRINT PAGE