Make your own free website on Tripod.com

O N    P R I N T


"Kung kami na ni Piolo, let it just come naturally."
by Mario E. Bautista, PJ Insider Sept 5, 2001

SA isang interview, ipinahayag ni Piolo Pascual about Judy Ann Santos: “I’m in love with her. And I respect her.”

Ano’ng masasabi ni Juday about Piolo’s declaration?

“I also love and respect him naman,” she replies. “Hindi naman siguro magiging maganda ang chemistry namin on screen without that mutual love and respect. I’m glad that after Wowie (de Guzman), I have formed a new loveteam with Piolo na acceptable din sa publiko.”

Totoo bang nagselos siya nang si Piolo was linked to Pops Fernandez?

“Not exactly nagselos, dahil wala naman kaming commitment ni Piolo, but tampo lang. I was worried for our loveteam. We’ve just finished a new movie, Bakit ‘Di Totohanin, tapos biglang he’s being linked na to Pops. A lot of people were asking me about it and I didn’t know kung ano’ng isasagot sa kanila.

“Ako kasi, very transparent. Kapag masama ang loob ko, it shows on me. When our director, Boots Plata, noticed na tense na kami sa isa’t isa, he called for a meeting and made us talk for three hours — at ‘yun, nawala na ang sama ng bob ko.”

Ready for a new relationship

KUNG liligawan siya ni Piolo in earnest, tatanggapin ba niya ang iniluluhog nitong pag-ibig?

“At this point, pareho kami ng feeling, that we don’t want to be pressured into having a relationship just because people are telling us na amining on na kami. Ganyan naman sa showbiz, ‘di ba? Kapag hindi pa kayo, pipiliting kayo na. Pero kapag kayo na, paghihiwalayin naman kayo.

“I admit that after Wowie, I’m ready for a new relationship, pero ayoko naman nu’ng napipilitan lang sa akin ‘yung partner ko. Sa akin, hayaan na lang natin kung magkakatotoo ngang kami na ni Piolo. Let it just come naturally.”

She has several kissing scenes with Piolo in Bakit ‘Di Totohanin. lba’t ibang eksena ito at tila totoong feel na feel nila ang dating.

“We did it for the movie. Kilig scenes baga. Kung sakaling lumabas na parang totoong-totoo, siguro dahil magaling kaming umarte. Ha-ha-ha!” tawa niya.

Ano ba ang kuwento ng Bakit ‘Di Totohanin?

“Bata pa ako in the story, crush ko na si)Ja, so I sent him a love letter. Pero pinagtawanan lang niya ako. He grows up to be a boxer. Ang father ko, si Johnny Delgado, ang trainer niya. Pero ibinenta niya ang laban, kaya nagalit ang daddy ko. Nagpunta ito sa Saudi. Nang maging girl boxer din ako, I asked him to coach me and that’s how we became close to each other.

“Pero ang real trainer ko sa movie is Roger Moring, a former boxer. Ang nakalaban ko naman sa ring is a big black girl named Polyanna. Nagkasakitan kami talaga sa palitan namin ng mga suntok, pero okey lang para maging convincing ang dating ng boxing scenes sa movie.

Negative writeups

ALIN ba sa recent negative things na nasulat sa kanya by her detractors ang talagang nakasakit nang husto sa damdamin niya?

“‘Yung pinababayaan ko raw ang lola kong nakatira sa squatter, samantalang ako, I live in a mansion sa North Susannah Executive Village in Commonwealth Avenue. Ang totoo niyan, I already asked my lola if she wanted to live with me, pero ayaw niya talaga. Sanay na raw siya sa dati niyang bahay. I really felt so sad na pati kami ng lola ko, gusto nilang pag-awayin.”

Ano naman ang reaction niya sa rumor linking her to Direk Joyce Bernal, who happens to be preggy now?

“That’s also foul, dahil hindi naman tomboy si Direk Joyce. Kawawa naman ang ibang taong nananahimik at dinaramay pa para siraan ako.”

Reunited in Bakit ‘Di Totohanin are Gloria Diaz as Juday’s mom and Gloria’s former real-life lover, Vic Vargas, as Piolo’s uncle. Kasama rin sa cast sina Gloria Romero as Juday’s lola and Jeffrey Quizon as her gay Kuya. In her role as a girl boxer, Juday is following in the footsteps of Susan Roces in Boksingera Daw and Lolita Rodriguez in Jack en Jill.

“I hope maging convincing din ako sa role na kagaya nila,” aniya.
BACK TO MAIN ON PRINT PAGE