Make your own free website on Tripod.com

O N    P R I N T

Judy Ann, nagbebenta ng damit
BABY TALK ni Salve V. Asis 08/28/2001, Pilipino Star Ngayon

"Nakaka-inspire pag payat. Ando’n ‘yung confidence mo. Masarap magdamit," Judy Ann Santos expresses sa kanyang solo presscon for Bakit Di Totohanin opposite Piolo Pascual.

Malaki ang na-lose na weight ni Judy Ann na pansin na pansin nang dumating ang actress sa presscon ng kanyang latest movie.

"Iba kasi ang feeling pag payat ka," she says.

Kaya naman nagbibenta na siya ng mga damit no’ng chubby pa siya. "Dinadala ko sa itaas ng Kilimanjaro (her restaurant). ‘Yung mga fans ko, kung gustong bumili, do’n sila nagpupunta kasi nga maluwag na sa akin ‘yung ibang damit ko noon," she avers.

Anyway, hindi naman lahat ay agree sa public display of affection nina Judy Ann at Piolo at maging sa mga kissing scene nila sa Sa Puso Ko, Iingatan Ka. "Kasi nasa reality kami. I mean, mga natural na ginagawa in real life ng mga character namin doon. Saka in a way, niri-ready lang namin ‘yung mga viewers para sa movie namin.

"Mas grabe pa nga do’n ang ginagawa ng mga kabataan ngayon. Actually, mild lang ‘yun mga kissing namin," she says sa reaction ng ibang tao sa dalas ng kissing scene nila ni Piolo sa kanilang Sa Puso Ko, Iingatan Ka.

"Masasanay din ang mga tao. Siguro lang naninibago sila dahil nakita nilang pa-sweet-sweet lang ako dati," she adds.

Judy Ann is hoping for the best sa Bakit Di Totohanin. "Pero ini-expect ko rin na pag hindi kumita ang pelikula, ako ang sisisihin. Ganoon naman usually. Pag hindi kumikita, laging sa akin ang bagsak ng sisi. Anyway, sanay na ako sa ganoong sistema. Hayaan na lang natin sila."

Actually, as much as possible ayaw nang mag-entertain ng actress ng mga intriga. "Iba na ang thinking ko ngayon. Kung ayaw maniwala ng ibang tao sa sinasabi ko, okey lang. Basta ang ginagawa ko ngayon, alam kong tama at ayoko nang paapekto sa mga intriga," she expresses.

Anyway, kahit tapos na ang shooting ng Bakit Di Totohanin, tuloy ang training ng boxing ni Juday. "Tinatawagan ko na lang ‘yung trainer ko pag walang trabaho. Saka bago pa man nag-start ang movie namin nagti-train na talaga ako," she informs.


BACK TO MAIN ON PRINT PAGE