Make your own free website on Tripod.com

O N    P R I N T 

SIGAWAN, PALAKPAKAN, TULAKAN, SINDAKAN AT IYAKAN SA BINAN
by Gerry Ocampo, PJ Insider, Sept 5, 2001

NAKAGUGULAT ang dami ng tao na nagpunta sa Pavillion Mall, Binan, Laguna, the other Sunday sa pagdating nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

Alas-kuwatro pasado no hapon dumating ang sinasakvan nina Juday at Pioio. Pero halos kalahating oras bago nakarating ang Starex van sa itinayong stage sa gilid ng mai~.

Pilit hinarang ng mga tao ang sasakyan, kaya parang pagong ang pag-usad nito.

Grabe — as in grabe talaga — ang sigawan at palakpakan ng libu-libong tao na dumagsa sa naturang lugar nang sabihin na durnating na sina Juday at Piolo.

Lalong umugong ang nakabibinging sigawan nang umakyat ng stage si Piolo at lalong nagkagulo nang umpisahang kantahin ng young actor ang Kahit Isang Saglit.

Kaya lang, ang sigawan at palakpakan ay nauwi sa sindak at iyakan ng mga kabataan — edad apat pataas — nang bumagsak ang stage dahil sa pagtutulakan ng tao na gustong makalapit.

Nakakatatatlong linya pa lang ng kanta si Piolo nang biglang bumagsak ang stage.

Saksi kami sa pagguho ng itinayong stage sa gilid ng Pavilion Mall. Kitang-kita namin ang mga naipit na kabataang nasa harap at gilid ng bumagsak na stage. At kita rin namin ang pagkabigla ni Piolo na buti na lang, naagapan ng ilang guard para ‘di mahulog at masaktan. Hitsura ng hinimatay na tao ang pagbagsak ng entablado.

At buti na lang, hindi pa nakaaakyat ng stage si Juday na nasa loob ng kotse habang kumakanta si Piolo. Kung nagkataon na sumabay siya sa stage, baka mas marami ang nasaktan.

Bago naganap ang aksidente, nalaman naming sa loob sana ng Pavilion Mall gagawin ang show, pero ipinasya ng niga taga-mahala na gawin na lang sa labas dahil marami na raw salamin sa department store ang nabasag sa dami ng tao na nagsisiksikan.

‘Yun nga lang, sa hindi inaasahang pangyayari ay ‘di na itinuloy ang show, kung saan ay kakanta pa sana nang solo si Juday at tapos ay magdu-duet sila ni Pioio.

From Biñan, tumuloy ang grupo nina Juday at Piolo sa Shangri-La Plaza Hotel, EDSA, para sa birthday celebration ni Mother Lily.

Sa pakikipagtsikahan namin kina Juday at Piolo, aminado ang dalawa na na-shock sila sa nangyari, pero willing pa rin silang magpunta uli sa Pavilion Mall para magpasalamat sa lahat ng tao na nagpakahirap na maghlntay sa kanilang pagdating.

 

BACK TO MAIN ON PRINT PAGE